Monday, April 20, 2009

Barangay Ginebra Kings vs Burger King



3rd Reinforcement David Noel



JC Intal + Chum



Kuya Billy Mamaril



Boys: Panther's boypz, Chico Lanete & Willie Wilson
Girls: Phenggay, AM, Chum, Panther



Chico Lanete & Willie Wilson

Gaya ng nakagawian, maaga na naman kaming nagkikita-kita pag me laban ang Ginebra. Excited lang, haha!

Marami pa pong pictures, sa multiply account ko -- just search for my email address, imthania@yahoo.com.

Sana lumuwag na rin ang schedule ko para makapunta sa praktis ng team, that way, makuhanan ko ulit ng solo pictures ang alam kong box-office hit sa mga puso nyo -- Jayjay Helterbrand, Ronald Tubid, Paul Artadi, Erik Menk -- to name a few.

Jamships, wag tayong magsasawang sumuporta sa team.. LABAN kung LABAN! Ginebra lang hanggang sa huli! God bless BGK & Jamships!

*************************************************************************************

Teka, suportahan rin pala natin ang blogsite na kasalukuyan naming inaayos ni Gracey -- this is for no other than Chico Lanete & his supporters. www.chicolanete.blogspot.com

Maraming salamat!

-Ate Thania

Saturday, April 18, 2009

Walang Iwanan! Ginebra Lang Hanggang Sa Huli!

Naiiyak naman daw ako.. (hindi dahil sa cervical strain ko..) pero dahil sa panalo ng Ginebra kagabi. I was there, OMG, i was there! Patron A, 1st row, seat 12. Seated on my left was AM & seated on my right was Digs. At yung mga nasa likod at gilid namin, mga kumpare ni Kuya Ronald.

Sino'ng di magiging emosyonal kung 2-5 na nga ang win-loss standing nyo, bungi-bungi na ang lineup, e wala pa kayong reinforcement diba? At habang ang lahat e dinadaot ka na sa mga paninirang morale nila sa barangay, at kung anu-ano pang intriga, ikaw naman, nagpapakatatag kahit gusto mo nang bumigay. Iyakan naaa!

Maaga ako sa Araneta. Like a raging predator ready to feast on some daot. Ay naku. Walang mang-aasar sakin, at talagang makakatikim ng Ray Gun, Kame Hame wave, at Haduken'g malupit. Concentrate ako sa pananalangin na manalo ang team, walang agaw-trip!

Maaga kami ni Digs dun, si sis Dine-ang Beyonce ng Jamships maaga rin, we were able to watch the 1st game pa nga e. Olats ang Redbull, kahit na ba andun na ang ex-Kings na si Crisano-my-loves at Holper, e ano bang pakelam ko sa mga tinamaan ng magaling?!?

Tagal naman ng 2nd game! Argh! At antagal din ni Abitria. Great. Kinakabahan na ako. 3 ang hawak kong cellphone, di ko naman alam kung sino ang rereplyan ko. Adik!

Di nagtagal at nakumpleto kami, gayundin ang mga players na kayang maglaro para sa team. Ayan na sila!!! Bakas sa mukha ng players ang passion sa game, kitang-kita yung determinasyong pagwagian ang game. Naiiyak na ako, pero mas masaya sumigaw! Kaya dedma! Sigawan galore kami ng twin ko! Go Jayjay! Go Menk! Go Paul! Go Chris! Go kuya Ronald! Go kuya Billy! Go Chico! Hala, lahat na. Me sumaway pa samin. At dahil wala kami sa mood makipag-away, sige na lang, pagbigyan, manahimik na muna. Mamaya na ulit ang tilian. Huli na rin namin nalaman, si Sir Danny Espiritu pala yung sumaway samin. Pasaway ka Godfather! Lol.

Kinilabutan ako sa suporta ng barangay kagabi. Walang bumitaw! Wild na, kumbaga. Sigawan lahat! GI NEB RA! GI NEB RA! GI NEB RA! Defense! Defense! Defense! Natuwa rin ako lalo sa bench natin.. ang mga players, super din ang sigawan! At ang staff, talaga naman! I saw Mang Henry shouting, natuwa ako.. tumatayo-tayo pa tuloy kami ni twin sa tuwa. Hay.

Natapos ang game na masaya kami, nakangiti, inuulit-ulit yung mga angas moves ng team.. waaahh! Wala akong masabi! Nothing beats the true champions! Good luck on your Monday game opposite BK.

Para sa pics, sorry isusunod ko na lang. Maraming salamat sa lahat ng nagdasal!

I love the Barangay Ginebra Kings! I love BGK Jamships!

-thania
Where to find me? Mult, fb & fs acct - imthania@yahoo.com

Thursday, April 16, 2009

Hindi Nababahala Ang Pusong Nagtitiwala

Hello mga ka-JAMSHIPS, friends of JAMSHIPS, mga ka-GOL, mga ka-barangay.. :)

Sa nangyayari sa team ngayon, wag tayong mawalan ng pag-asa.
Ngayon tayo mas kailangan ng team.
Hindi nababahala ang pusong nagtitiwala.
NEVER SAY DIE!
Walang susuko, diba?
Ginebra lang hanggang sa huli.
Ang pinakamaganda nating gawin,
magtiwala, maghintay, at magdasal.

Love natin ang BARANGAY GINEBRA KINGS
kahit anong mangyari.
Suporta tayo hanggang sa huli!

-thania

Sunday, April 12, 2009

Congratulations Graduates!!!

We're soooooo PROUD of you!






Monday, April 6, 2009

BGK Practice 04/06/2009


AM & Doug Kramer


AM & Macky

Macky may not be as talented as the other
PBA players today, but I saw in him the big potentials.
He is very hardworking, disciplined. I hope to see Macky
stay humble in the years to come.
We will always be here for you. God bless!!!



AM with GOLiners Mareng Luie, Mareng Helen & Jhay


AM w/ JC Intal


JayAr Aquino


Paul Artadi


William Wilson & Doug Kramer


Chris Pacana
"Chris, anong tinitingala mo dyan?"
Hehe.. Kidding.. Nasa ilalim sya ng mismong ring,
hinihintay nya yung bola bumagsak..
It was Chico who's shooting at that time.. :)


Mr. Fearless
Although LAHAT ng players e mahal at suportado ng JAMSHIPS,
isa si Kuya Ronald sa masasabi naming espesyal samin.
Sa kakwelahan nya, pagiging palabati at kakulitan na rin
kahit sa taga-hangang tulad namin.
Para sayo Mr. Fearless, buo ang suporta ng JAMSHIPS sayo.
God bless!


Chico Lanete & William Wilson


Chico Lanete - although baguhan, buong puso rin naming tinatanggap
bilang isang ka-barangay ang magaling na
Guwardyang si Chico Lanete, Lycean pa yan, ka-alma mater! :)


Chris Pacana
being spoiled by Kuya Junjun :)


Doughnuts for the whole team..


Sweetness :)



Present: THANIA & AM = the incredibles.. hahaha! :) Super fun ng araw na to.. kahit sakit ng tyan namen katatawa..