Alam niyo bang 1 month na tayo? Kung hindi pa, ngayon alam nyo na, hihihihi.. Kwento ko lang sa inyo kung paano natatag ang BGK JAMSHIPS.
Nagtext si heltz a.k.a. Rochelle noong July 31, 2008, siguro kasi wala siya magawa nung araw na 'yun (joke). Sabi niya, mukhang mas maganda na lagyan ng kahulugan instead na mere friendship lang ang mayroon kami. So, naisip niya ang JAMSHIPS. Kasi...
A - ubreypols
M - mgalvez a.k.a Madz
S - kelterspark a.k.a Rem
H - eltz a.k.a Chelle
I - mthania a.k.a. Thania
P - rincess47.08 a.k.a Nica
S - hanana a.k.a Meriel
Natuwa naman ako sa tinext niya. Hindi ko alam kung ilan kaming nagreply sa kanya, pero ako sinabi ko, 'bright idea'. At dahil mahilig akong gumawa ng blog (hindi naman obvious), sabi ko, gagawan ko ng blog ang BGK JAMSHIPS. (May BGK kasi lahat kami mahal ang BGK). So, eto na nga 'yung blog na un. At alam na ninyong lahat kung ano ang ibig sabihin ng BGK JAMSHIPS, it is a noun, it is a friendship rooted from being a BGK fanatic.
Pero hindi lang doon nagtapos ang kwentuhan namin ni heltz. Pinag-usapan na rin namin ang mga officers (bongga 'di ba?).
President: Thania, ang mod ng BGK sa POL
Vice-President: Ako, ako na walang malay, haha
Secretary: Aubz
Treasurer: Wala, wala naman kasi kaming pondo, haha
PRO: Rem, magalingkasing mambasag
Manager: Shanana, sya kasi ang rich kid, hihihi
Artist: Heltz, obvious naman sa blog niya 'di ba?
Si Pat at Nica, wala pang position noon, nag-iisip pa kami. Naisip namin ni heltz, si Nica ang gawing Muse :) Si Pat naman, kasama ni Rem sa PRO, para sa text brigade :)
Masaya ang samahan namin. Sa POL kaming lahat nagkakilakilala, kaya special thanks to Sir RV. Kung hindi dahil sa site niya, walang BGK JAMSHIPS ngayon (emo na naman ako).
'yung iba sa amin, nagkita-kita na ng personal. Pinost ko nga 'yun dito sa blog, ung They Finally Met post. Syempre, sa Araneta ang naging tagpuan, suporta sa BGK :) Sad nga lang dahil hindi kami nakasama ni Rem. Tapos doon, nagkaroon kami ng bagong miyembro, si Anna Marie, AM for short. Sumunod na sumanib (hahaha, sanib talaga) si Winkii a.k.a. Grace, ang artistic din na si Grace. Naghahanap kasi siya ng kalinga mula sa mga BGK fans (alam mo na ibig kong ipahiwatig sis). At dahil mababait naman kami, pinaunlakan namin ang kanyang kahilingan. Doon na nga nagsimula na binuksan namin ang dating nakapinid na pintuan ng BGK JAMSHIPS sa lahat ng BGK fans. Subalit, may mga qualifications kaming sinusunod. Gusto kasi namin, kahit papaano, lahat ng magiging miyembro, maramdaman na welcome sila sa group.
Ayan na nga, madami na tayo. Sa mga hindi active diyan, galaw galaw lang. Nandito lang kaming mga ka BGK JAMSHIPS ninyong nagmamahal sa inyo.