by Pheng
maaga akong nagising..bakit kaya?
tinignan ko ang kalendaryo..april 20 na pala..
gumala ang mga paningin ko sa loob ng kwarto ko..nakangiti lahat ng lalaking naroon..
palagay ko nakatingin sila sa akin..napangiti na rin ako..
naalala ko na..monday nga pala ngayon..may laban ang barangay ginebra kings..
“araw din ng munting kahilingan..” (iyak mode)
tinitigan ko sya..yung lalaking may numero trese..tsk..gwapo talaga..
napangiti ako at bumulong ng..
“see you later mahal”
11:30 am,naligo na ako..baka kasi dumating na yung hinihintay ko..plantsado na rin yung isusuot ko..lagpas 12 ng tanghali ng dumating si thania,.sya ung hinihintay ko..pagbaba nya ng sidecar di ko napansin na imbyerna na pala ang bruha..bad3p sya sa driver ng pedicab =)..kwentuhan muna ng konti..pinakilala ko na rin sya kay decy at nagbihis na ako..akalain mo yun pareho kaming nakaputi..go lakad na kami..kwentuhan..lakad..lakad..kwentuhan..hinto muna kami..itinuro ko kay thania ung arko ng brgy.ginebra king..syempre palalagpasin nya ba yun ng hindi nakukuhaan ng picture?=) go lakad na uli kami..sakay kami ng jeep..imbyerna na naman ang bruha..pababa na kasi kami,yung sukli di pa naibibigay..pagdating namin ng taft,nagutom yata..naghanap ng chiken skin “kumakain pala sya ng street food”..sakay na uli kami ng jeep papuntang edsa..pagbaba namin pumasok kami sa metro point..dun kasi kami magkikita kita..unang dumating si lamig girl (chum) pero sabi nya lamog girl na raw xa..=) kalurkay..ang tangkad..pumunta kami ng kfc para hintayin si ate AM..
habang wala pa si ate AM,picture2x muna kami saka kwentuhan ng konti..maya2x lang dumating na rin si ate AM..yey kumpleto na kami..akalain mo yun “na naman” nakaputi din si ate AM pati si chum (naka uniform kasi) kwentuhan na naman,kain,kwentuhan..hinintay din muna namin yung clasm8 ni chum..si phanter kasama ung bf nya,.bago kami ng punta ng cuneta..
maaga pa ng dumating kami ng cuneta..hindi pa nag papapasok..hintay muna kami sa labas..
shocks..may gwapong bumaba ng kotse..si jc intal..eto na..isa isa ko na silang nakikita..sunod kong nakita si chris pacana..ang gwapo ha..”bagay sila ni ate madz”=) naiinip na ko..sana magpapasok na..maya maya lang pinapasok na kami..pagkatapos ng apat na taon,,napasok ko uli ang cuneta..andun na sila..ang mga iniidolo ko..nilabas ko na ung dala kong “docomo” cp yata un ng japan..ginamit ko lang naman ung kamera nya..picture dito,picture doon,kuha dito kuha doon..hala..ang saya ko talaga..may picture kami ni chico lanete at ni coach art dela cruz..malikot ang mga mata ko..hinahanap ko yung may numero trese..mukang hindi lalabas ah,.nakita ko na lahat sya na lang ang hindi..
“lalabas yun pag magsisimula na ang laro”sabi ni ate AM,hhmmpp..sige na nga..di na ko aasa na makukuhaan ko sya..
maya maya lang pinatayo na kami para awitin ang lupang hinirang..ayan na magsisimula na..makikita ko na sya..
wooohhhh..umingay na sa loob ng cuneta..tinawag na ang bgry.ginebra..ang puso ko..pumula ng sobra..lumabas na ri sya..nakita ko na yung lalaking may numero trese..after 4 yrs..nkita ko uli si jayjay..ang mahal ko..=)
nagsimula na ang laban..unang anim na puntos galing kay jayjay..palakpak ng sobra..galing talaga ng mahal ko..sigaw dito,sigaw doon..go jayjay..go mahal..grabe ang saya talaga manood ng live..pwdeng pwede akong magsisigaw ng hindi ako mapapagalitang ng papa ko..palakpak ng bonggang bonga,,.wwoooohhhhhh..tapos na ang 4th qtr..panalo ang tunay na mga hari..galing ng ginebra..grabe..masay kaming lumabas ng cuneta..umuulan pero ok lang..hintayin muna naming lumabas ang mga players ng bgk..”nice game se di ka pinawisan ha” pasaway ung mga katabi namin..tanggapin na natin si homer se..isa na syang kabarangay..uuwi na kami..buti na lang lumabas ni si jayjay..kaso ang bilis maglakad..sayang di ko nakuhaan ng picture..pero ok lang..masaya na akong makita sya uli..
“pheng masaya ka ba?”sabi ni thania..
oo naman..masaya ako ng bonggang bongga..
“happy bday”sabi uli ni thania..
kung pwde lang umiyak ng mga oras na yun ginawa ko na..
tapos na bday ko pero may gitf pa rin sya sa akin..
ang saya ko talaga ng araw na yun..nakasama ko si chum..ate am at thania..sana next tym makasama ko naman ung iba pang jamships…=)
special thanks to thania maldits..
tinupad nya ang isang “munting kahilingan” ni
PHENGGAY..
i love brgy.ginebra kings..
ilove brgy.jamships..
ilove brgy.LS
proud to be..
KABARANGAY..^_^
1 comments:
katuwa naman..^^
cute ba????
andun pa lang kami sa cuneta gusto ko ng isulat ya..^^ la lang..
sobrang masaya lang ako ng araw na yun..
love ko jamships sobra..^^
Post a Comment