BGK Jamships. Ano nga ba at para san ang grupong to? Bakit me Jamships? Anong eksena nito?
Jamships. Nagsimula to sa isang pagkakaibigang nabuo sa World Wide Web. Tama. Internet. Imposible mang isipin, pero totoong pagkakaibigan ang namagitan sa 8 babaeng nagkakila-kilala sa POL, ranging from early teenagers, to mid-twenties. Naging magkakaibigan kami dahil sa iisang pagkakapareho -- ang pagkahilig sa basketbol at pagiging tagahanga ng itinuturing na pinakapopular na PBA team, ang Barangay Ginebra Kings. Masayang pagkakaibigan na hindi ininda ang pagiging magkakaiba ng ugali, ng pananaw sa buhay, hindi ininda ang layo ng distansya o ng katotohanang hindi pa kami nagkikita-kita. Napaka-ideal. Pero aaminin kong hindi kami perpekto. Sino bang hindi nagkakamali? Pero tanggap namin ang mga flaws ng bawat isa. Naging matatag ang pagkakaibigan sa maikling panahon. Di lumaon, nagkaron kami ng maraming kaibigan at nagsimulang tumanggap ng miyembro -- naisip naming buksan ang pamilyang ito sa kagustuhang magkaroon ng mas maraming kaibigan at kachikahan tungkol sa paborito naming koponan. Mula kay AM, kay Gracey, hanggang sa ngayon ay halos hirap na rin akong mag GM o group message. Anu bang trip namin? Ang Jamships, gaya ng lagi kong sinasabi, we're not just an ordinary BGK fans club or fan listing. This is friendship that started from being a Ginebra fan. Hindi man kami magkakapareho sa maraming bagay, may iilang tatatak sa isip mo sa oras na makilala mo kami. Jamships is all about friendship and undying, unconditional love for the Barangay Ginebra Kings.
Back and Neck pain help
9 years ago
6 comments:
natuyo laway ko.. hehehe:))
peace..
Hahaha! Bruha ka talaga phnx.. :)
OMG! what a story?! aww!
i love it twin...(",)
JAMSHIPS FOREVER!
*anak, tnx for the layout...i liked it! (",)
.grabe naman yun.super ok yung nabasa ko...
love jamships so much.....
mwuaaaaa
lablab ko tlga kyo::-*
Anu to, mag-iiyakan tayo dito? :D
Post a Comment