hmmm... paano nga ba kami nagkakila-kilala?
Una kong nakilala si Sis Thania, ang moderator ng BGK sa PBA-Online. Kaka-register ko lang nun. Tapos, dahil nga ako ay isang BGK fanatic, sa BGK forum ako agad nag post. Ang bibong mod, nag PM sa akin, binigay ang number niya. Ayon na.. mahal ko na siya.. :D
Pangalawa sa nakilala ko si Sis Pat.. natuwa kasi ako sa kanyang avatar (ung likod ni JayJay, hahaha.. oo likod palang ni JayJay 'yun). Ang mahilig magkwentong si sis pat, na asawa daw ni JayJay. ;)
Tapos, nakilala ko na rin si Sis Chelle, we're both from Bulacan. Ang astig na si Sis Heltz na napaka-artistic at palaban.
Tapos, si Sis Rem naman, from Bulacan din. Ang babata ninyo, ako na ang pinakamatanda sa inyo. Pero okay lang, para maging ate naman ako. :D
Tapos, si Sis Aubz. Kahit malayo, kahit from Cebu pa siya, dahil kabarangay, distance doesn't matter.. ang kaagaw ni Sis Thania kay Mark Caguioa. ;)
Tapos, si Sis Meriel. Ang nagbigay sa akin ng idea na ibahin ang gusto ko sa BGK players. Kaya ngayon, si Chris Pacana na ang idol ko. Pinaubaya ko na sa mga sis ko si JayJay, huhuhu.
And finally, si Sis Nica. Ang bunso namin. Ang busy mode sa pag-aaral. :)
Mga sis ko, share na ;)
Back and Neck pain help
10 years ago

















