Saturday, October 4, 2008

KFC PBA Philippine Cup 2008-09 Opening

KFC PBA Philippine Cup 2008-09

Barangay Ginebra Kings

Iwa Moto (Muse), Macky Escalona, JayJay Helterbrand

Macky Escalona and Paul Artadi


BGK Roster


Thursday, October 2, 2008

BGK Jamships Shirt

Mahal kong BGK Jamships, narito na po ang mga design na ating pagbobotohan. Para bumoto, mag-leave lang po kayo ng komento. Hindi ko siya ginawang poll, kasi baka may makaboto na hindi naman miyembro.


Entry A


Entry B



Boto na kayo mahal kong JAMSHIPS...

Wednesday, October 1, 2008

PBA JAM Kick-off Party

Kagabi, ginanap ang PBA JAM Kick-off Party. Kung inyong matatandaan, nag GM si Pres. Thania kung sinu-sino ang makakapunta, pero siya pala mismo, hindi makakapunta, hehe. Wala namang tumugon. Ako naman, sabi ko, pupunta ako, since may lakad ako that day pa-Antipolo. At sakto, pag-uwi ko, daan ako ng Gateway. Pero, nagdalawang isip na rin ako. Hindi na daw pupunta si Pres. Thania dahil monthsary nila ni Digs. Ako naman, kapag kako mga 3PM palang ay nasa Gateway na ako, malamang sa umuwi na ako. Pero ayun, 5PM na nasa Antipolo pa ako, hahaha. Kaya, sa kabutihang palad, pwedeng-pwede ako pumunta sa naturang kaganapan. At syempre, ang laging present, si Events Organizer AM.


Nung nasa event na kami, una kong nakita, taga Alaska Aces ata, pero hindi ko kakilala. Pasensya na, bukod sa Barangay Ginebra Kings (BGK), Purefoods TJ Giants (PF) lang ang kakilala ko, haha. Biglang dumaan ang mga taga PF. Paborito ko si Roger Yap, kaya nagpa-picture na rin ako. Kaya lang, hindi na-save, huhuhu. Sayang! Dumaan din si James Yap, kaso hindi ako nagpapicture, nahihiya ako eh, hehehe, paborito pa naman siya ng bestfriend ko *toinks*.

Sabi ng puso ko, *chris* *chris* *chris* *chris*, hahaha. Kaya nasabi ko nalang kay AM, 'Cuz, uwi nalang tayo, kinakabahan ako'.

Tapos, nakita ni AM si Billy Mamaril. Wow! Darating din ang BGK. Habang naghihintay ng mga dadaan, pinicture-an muna namin ito:






Inaya ko si AM sa right side ng stage, nagbakasakali kaming nandoon na ang mga taga BGK. At hindi kami nagkamali, ayan oh, nakaupo na si Billy Mamaril. 'Yung nasa harapan, si Jondan Salvador, blurred nga lang.



Pero, nasaan na 'yung ibang BGK Players? Puro Purefoods lang ang nakikita ko. Isang row sila sa upuan. Pero, wala ata si Peter June Simon. May nakarinig na hinahanap ko si PJ Simon. Umepal, sabi niya, nandiyan siya, hehe. Tapos, nakita namin itong player na ito. Nung una akala ko Alaska Aces siya. Pero ang nakatatak sa dibdib ng shirt niya ay BGK. Kaya ung umepal kanina, tinanong ko, sabi ko, 'Kuya, sino siya?'. Sabi niya, si JunJun Cabatu. Ah, ganoon ba? AM, picture na, haha..



Sa pwesto namin ni AM, daan lang ng daan ang mga players. Parang wala lang, haha. Gaya nga mga ito...



Olsen Racela



Si Marc Pingris, isa sa mga players na gusto kong mapunta sa BGK.
Kung nagtataka kayo kung sino ang kumuha ng picture, siya ung umepal kaninang lalake, si Roel, hehe.


Pagkapicture, bumalik kami sa pwesto namin. Nakita ko si JayJay. May kausap siya sa phone. Lumayo siya from the crowd. Syempre, hindi na namin sinundan ni AM, kasi alam naman naming kailangan niyang mapag-isa.

Sabi na naman ng puso ko, *chris* *chris* *chris* *chris*, hahaha. At ayan, dumating na nga siya.



Masaya ako at naaalala pa niya ako. Sana pati 'yung pangako niya naaalala pa rin niya, haha. Ang kulit niya, lahat ng players binati.







AM: Kuya Sunday, dumating na ba si Mark?
Sunday: Hindi pa



Paulo Hubalde (Red Bull na ngayon), Mark Macapagal o Alex Cabagnot (Sorry, hindi ko talaga madistinguish), JayJay Helterbrand, at Mike Holper



Jamships, pasensya na, pero favorite ko talaga si Kerby Raymundo. Hinabol pa talaga namin siya ni AM. Dahil ang laking tao at ang laking humakbang, hindi namin maabutan, tinawag nalang ni AM. Thanks Cuz.



Alex Crisano (Parang bagay sila 'no?)



Chris Pacana and Sunday Salvacion



Chris Pacana and Ronald Tubid



Chris Pacana, AM, and Ronald Tubid.

Nagtataka ba kayo kung bakit puro si Chris ang nasa picture? Alam kong hindi, haha. Ayon, lumapit siya, at inalok ako ng Krispy Kreme. Nahihiya ako, sabi ko 'No, Thanks!'. Pero he insisted, sabi ko pa rin 'No, Thanks!'. Ayon, binigay niya ung buong box. Sabi ni AM, huwag ko daw ipahiya 'yung tao, so tinanggap ko na, iniinsist din naman niya eh.



Ting!!! May naisip ako. So, I asked Chris a favor to write a note for our group, JAMSHIPS.





Sana, magustuhan ninyo ang mumunting mensahe niya.

Habang nagsusulat siya ng mensahe, sinabi ni AM na magpapicture din kami dun sa may background ng PBA. Sabi ni Chris, 'mamaya'. What?!!! Ang sabi ko, nagtatagalog ka? Naisip ko tuloy, paano na 'yung mga pinagsasabi ko sa blog? *patay*

'Yung kasama ni Chris mula pa nung pagdating niya kanina, kinuhanan ng video 'yung hawak kong Krispy Kreme with dedication. So, pinakuhanan ko naman, binasa pa ni AM 'yung message.
Kasama ni Chris : I'm Chris' bestfriend.
AM : What's your name?
Kasama ni Chris: John
Madz : Know what? I made a blog for him.
John : Yeah, I saw it, you should put a lot of pictures of him
Madz : Oh, you should give me pictures of him when he was still young
John : I have lots of 'em
At nakilala ko ang isa sa mga importante sa buhay ni Chris.

Lumapit si Chris, at ibinigay ang tatlong pirasong scarf.



Ito ang magiging papremyo sa pa-contest natin sa darating na Sabado.

Ting!!! Dapat may picture ako na magkasama ang matalik na magkaibigan.
Madz : Chris, can I have a picture of you and John together?
Chris : (to Madz) Oh, yeah sure. (to John) she'll post it in the blog


One more...



This is my favorite picture.



BGK on stage





At eto na 'yung sinabi ni Chris na 'mamaya'. Thank you Chris sa pagtawag sa amin. Nahihiya talaga ako eh, hehe.



Syempre, hindi ito papalampasin ni AM.
AM : Have you opened the gift?
JayJay : Yeah, I liked it. (sabay hawak sa kamay)





Kaya, naging kaliwete na si AM, hahaha.

Mukhang napagod na rin si JayJay kaya sinabi niya sa mga fans na ayaw na niya magpapicture. Sinundan nalang namin siya silently habang naglalakad siya papunta sa sasakyan. Nung nakita namin nakasakay na siya, bumalik na kami sa venue. Nakasalubong namin si Ronald Tubid, nagtetext habang naglalakad. Ginulat ko siya, pumadyak ako, at sinabing, 'Kuya Ronald, baka madapa ka'. Nakalimutan ko, hindi nga pala niya ako kakilala, haha.

Ay, hindi pa pala kami nagdidinner, haha.



Ayan Chris, kinain ko 'yung binigay mo ha. Inubos ko talaga para sayo. *blush*