Sunday, October 19, 2008

NEW GINEBRA THEME SONG

DUGONG GINEBRA
Gary Granada

Barangay Ginebra, Ginebra...

Sinusundan ko ang bawat yugto
Lundo at bugso ng kanilang laro
Parang nobelang nakakatakam
Di mo alam ang kalalabasan

Sa simula sila ang kulelat
Sunud-sunod agad na limang talo
Ngunit bumawi at biglang nanggulat
Ng labing tatlong walang patid na panalo

Di nakaporma sa Ginebra
Sa play-offs ang Red Bull at Sta. Lucia
Lahat ika nasa kanila na
Best Import, Best Player, Best Scorer pa

Ngunit sa sumunod na kabanata
Ang Gin Kings sa injuries sinalanta
Kaya sa finals sila'y iniwan
Ng naging rivals na Air21

Barangay Ginebra, Ginebra...

Pagbigyan nyo na ako
Ikwento sa buong mundo
Ang hapis at ang tamis nilang kwento
Pagbigyan nyo na ako
Muling iukit sa bato
Ang di sumusukong Ginebra na puso

Puso ni Jayjay, Paul, Mark at Cris
Cris Alexander, Tubid, Menk at Reavis
Macky, Vic, Sunday, Alex, Junthy at Willie,
Jay-R, Mike, Johnny, Paulo, Rodney, at Billy

Coaches Uichico, dela Cruz, Collier
Samboy Lim, Caidic at Sauler
Amanda Griffin at Dingdong Dantes
Marian Rivera, Iwa Moto, Anne Curtis

Yan ang dugong Ginebra San Miguel
Determinadong di papipigil
Mapa Kwatro Kantos o Angelito
Mapa Bilog, Hari o Francito

Tumitindi, tumatatag pa lalo
Sa Gran Matador Brandy tuloy ang init
Sa GSM Blue, sarap makihalo
At ready to drink cocktails ng Infinit

Barangay Ginebra, Ginebra...

Pagbigyan nyo na akong
Ipamalita't ihatid
At ipamahagi sa buong daigdig
Pagbigyan nyo na akong
Ipadama't ipabatid
Ang di sumusukong Ginebra na dibdib

Kung paanong ang talo nabuhay muli
Kung paanong dehado ay nagwawagi
Kung pa'nong sa Game 6 ay nakabawi
At sa Game 7 muntik pang masawi

Saan bumunot ng tibay at gilas
Saan humugot ng ibayong lakas
Sa pinanday na buong pagsasama
At "never-say-die" na DUGONG GINEBRA

Barangay Ginebra, Ginebra...

Sa matatag na barangay, isang tagay
Sa isang di pangkaraniwang istorya
Ay may isang di maikakailang bagay
Lahi ng champions ang Dugong Ginebra

Barangay Ginebra, Ginebra
Barangay Ginebra, Ginebra
Barangay Ginebra, Ginebra!



*wait lang kayo sa video. :)
i-uupload pa ni ate madz.

0 comments: