Monday, July 13, 2009

Game 5 -- DUGONG GINEBRA, PUSO NG GINEBRA!

I love it! We won Jamships! Once again, pinatunayan na wala sa laki yan! Wala sa bigat ng lineup ng team yan! Nasa dugo yan, nasa puso ng manlalaro, ng team, ng masa! Mas marami ang nagdadasal para sa barangay, at bonggang-bonggang dasal pa!

Special mention lang ako sa tapang, sa galing ni Lanete, Chico. Wuhoo! Chico, my CHICO! Ang bangis! Tatlong 3points ang pinawalan ng magaling na guwardya ng Barangay Ginebra Kings ang syang nagpalobo ng kalamangan sa unang 2 quarters ng laro. Naging matatag ang barangay sa kumpyansa at mataas na morale, i love it! I just love it!

Congrats BARANGAY! Sa wednesday, nakatakdang maglaglagan ang mga lobo sa Araneta, nakatakdang mapuno ng kagalakan ang dibdib nating lahat (wait, me dibdib ba ako?), nakatakdang hirangin ang BGK bilang HARI NG MOTOLITE FIESTA CUP!

God bless y'all!

-ATE THANIA-

0 comments: