Friday, October 16, 2009

SINO KAMI

BGKJAMSHIPS

It's not a fans club, it's a friendship thing;
and our common denominator
is our love for the GinKings.



What is Jamships?

BGK Jamships. Ano nga ba at para san ang grupong to? Bakit me Jamships? Anong eksena nito?
Jamships. Nagsimula to sa isang pagkakaibigang nabuo sa World Wide Web. Tama. Internet. Imposible mang isipin, pero totoong pagkakaibigan ang namagitan sa 8 babaeng nagkakila-kilala sa POL, ranging from early teenagers, to mid-twenties. Naging magkakaibigan kami dahil sa iisang pagkakapareho -- ang pagkahilig sa basketbol at pagiging tagahanga ng itinuturing na pinakapopular na PBA team, ang Barangay Ginebra Kings. Masayang pagkakaibigan na hindi ininda ang pagiging magkakaiba ng ugali, ng pananaw sa buhay, hindi ininda ang layo ng distansya o ng katotohanang hindi pa kami nagkikita-kita. Napaka-ideal. Pero aaminin kong hindi kami perpekto. Sino bang hindi nagkakamali? Pero tanggap namin ang mga flaws ng bawat isa. Naging matatag ang pagkakaibigan sa maikling panahon. Di lumaon, nagkaron kami ng maraming kaibigan at nagsimulang tumanggap ng miyembro -- naisip naming buksan ang pamilyang ito sa kagustuhang magkaroon ng mas maraming kaibigan at kachikahan tungkol sa paborito naming koponan. Mula kay AM, kay Gracey, hanggang sa ngayon ay halos hirap na rin akong mag GM o group message. Anu bang trip namin? Ang Jamships, gaya ng lagi kong sinasabi, we're not just an ordinary BGK fans club or fan listing. This is friendship that started from being a Ginebra fan. Hindi man kami magkakapareho sa maraming bagay, may iilang tatatak sa isip mo sa oras na makilala mo kami. Jamships is all about friendship and undying, unconditional love for the Barangay Ginebra Kings.

JAMSHIPS is family.
-thania

para sakin ang jamships ay isang pamilya na nabuo dahil sa pinakamamahal naming team at yun ang ginebra. ang pamilya ito ay may faith kay god manalo, matalo ang ginebra nagsasama sama nag mga meyembro ng pamilya ng jamships walang iwanan sa kalokohan,kasiyahan,kalungkuta at kaadikan lab lab jamships
-clarice

ang jamships for me? its a ship full of jamming passengers that no one could ever make it sink. its a group rooted in bgk, but blossom as a family who`l be there for our team and for each other till eternity
-dianne

Bgkjamships
*(n) bi-ji-key-dzam-ship
-pamili na nag welcome sakin ng bongga-bongga. pamili na dumadamay sa bawat isa.pamili na masaya,makulit,malupit..pamili na buwis-buhay para sa ginebra
-aryen

0 comments: