Sunday, April 26, 2009
Monday, April 20, 2009
Barangay Ginebra Kings vs Burger King

3rd Reinforcement David Noel

JC Intal + Chum

Kuya Billy Mamaril

Boys: Panther's boypz, Chico Lanete & Willie Wilson
Girls: Phenggay, AM, Chum, Panther

Chico Lanete & Willie Wilson
Marami pa pong pictures, sa multiply account ko -- just search for my email address, imthania@yahoo.com.
Sana lumuwag na rin ang schedule ko para makapunta sa praktis ng team, that way, makuhanan ko ulit ng solo pictures ang alam kong box-office hit sa mga puso nyo -- Jayjay Helterbrand, Ronald Tubid, Paul Artadi, Erik Menk -- to name a few.
Jamships, wag tayong magsasawang sumuporta sa team.. LABAN kung LABAN! Ginebra lang hanggang sa huli! God bless BGK & Jamships!
*************************************************************************************
Teka, suportahan rin pala natin ang blogsite na kasalukuyan naming inaayos ni Gracey -- this is for no other than Chico Lanete & his supporters. www.chicolanete.blogspot.com
Maraming salamat!
-Ate Thania
Posted by thaniathania5 at 6:27 PM 0 comments
Labels: Barangay Ginebra Kings, billy mamaril, pictures, ronald tubid
Saturday, April 18, 2009
Walang Iwanan! Ginebra Lang Hanggang Sa Huli!
Naiiyak naman daw ako.. (hindi dahil sa cervical strain ko..) pero dahil sa panalo ng Ginebra kagabi. I was there, OMG, i was there! Patron A, 1st row, seat 12. Seated on my left was AM & seated on my right was Digs. At yung mga nasa likod at gilid namin, mga kumpare ni Kuya Ronald.
Sino'ng di magiging emosyonal kung 2-5 na nga ang win-loss standing nyo, bungi-bungi na ang lineup, e wala pa kayong reinforcement diba? At habang ang lahat e dinadaot ka na sa mga paninirang morale nila sa barangay, at kung anu-ano pang intriga, ikaw naman, nagpapakatatag kahit gusto mo nang bumigay. Iyakan naaa!
Maaga ako sa Araneta. Like a raging predator ready to feast on some daot. Ay naku. Walang mang-aasar sakin, at talagang makakatikim ng Ray Gun, Kame Hame wave, at Haduken'g malupit. Concentrate ako sa pananalangin na manalo ang team, walang agaw-trip!
Maaga kami ni Digs dun, si sis Dine-ang Beyonce ng Jamships maaga rin, we were able to watch the 1st game pa nga e. Olats ang Redbull, kahit na ba andun na ang ex-Kings na si Crisano-my-loves at Holper, e ano bang pakelam ko sa mga tinamaan ng magaling?!?
Tagal naman ng 2nd game! Argh! At antagal din ni Abitria. Great. Kinakabahan na ako. 3 ang hawak kong cellphone, di ko naman alam kung sino ang rereplyan ko. Adik!
Di nagtagal at nakumpleto kami, gayundin ang mga players na kayang maglaro para sa team. Ayan na sila!!! Bakas sa mukha ng players ang passion sa game, kitang-kita yung determinasyong pagwagian ang game. Naiiyak na ako, pero mas masaya sumigaw! Kaya dedma! Sigawan galore kami ng twin ko! Go Jayjay! Go Menk! Go Paul! Go Chris! Go kuya Ronald! Go kuya Billy! Go Chico! Hala, lahat na. Me sumaway pa samin. At dahil wala kami sa mood makipag-away, sige na lang, pagbigyan, manahimik na muna. Mamaya na ulit ang tilian. Huli na rin namin nalaman, si Sir Danny Espiritu pala yung sumaway samin. Pasaway ka Godfather! Lol.
Kinilabutan ako sa suporta ng barangay kagabi. Walang bumitaw! Wild na, kumbaga. Sigawan lahat! GI NEB RA! GI NEB RA! GI NEB RA! Defense! Defense! Defense! Natuwa rin ako lalo sa bench natin.. ang mga players, super din ang sigawan! At ang staff, talaga naman! I saw Mang Henry shouting, natuwa ako.. tumatayo-tayo pa tuloy kami ni twin sa tuwa. Hay.
Natapos ang game na masaya kami, nakangiti, inuulit-ulit yung mga angas moves ng team.. waaahh! Wala akong masabi! Nothing beats the true champions! Good luck on your Monday game opposite BK.
Para sa pics, sorry isusunod ko na lang. Maraming salamat sa lahat ng nagdasal!
I love the Barangay Ginebra Kings! I love BGK Jamships!
-thania
Where to find me? Mult, fb & fs acct - imthania@yahoo.com
Posted by thaniathania5 at 9:30 PM 1 comments
Labels: Barangay Ginebra Kings, billy mamaril, chico lanete, chris pacana, mike holper, ronald tubid
Thursday, April 16, 2009
Hindi Nababahala Ang Pusong Nagtitiwala
Sa nangyayari sa team ngayon, wag tayong mawalan ng pag-asa.
Ngayon tayo mas kailangan ng team.
Hindi nababahala ang pusong nagtitiwala.
NEVER SAY DIE!
Walang susuko, diba?
Ginebra lang hanggang sa huli.
Ang pinakamaganda nating gawin,
magtiwala, maghintay, at magdasal.
Love natin ang BARANGAY GINEBRA KINGS
kahit anong mangyari.
Suporta tayo hanggang sa huli!
-thania
Posted by thaniathania5 at 3:50 AM 1 comments
Labels: Barangay Ginebra Kings
Sunday, April 12, 2009
Congratulations Graduates!!!



Posted by MinnieRunner at 11:01 PM 2 comments

