Monday, November 9, 2009

Unstoppable Ginebra Outshines Rain or Shine

Cyrus Baguio of the Barangay Ginebra Kings is KFC/Accel-PBA Press Corps' Player of the Week for the period Nov. 2 to 8. Congratulations Skyrus! :) Job well done!

Sa 2 magkasunod na games (vs Barako Bull at Rain or Shine), ipinakita ni
Skyrus kung paano naaasahan ang isang tulad nya sa oras ng kagipitan. Sa tulong ng iba pang players ng mahal nating koponan gaya nila Ronald Tubid, William Wilson, Eric Menk, Sunday Salvacion, JC Intal, Celino Cruz, Billy Mamaril, pinatunayan ng Ginebra na hindi porket wala ang Fast and the Furious (Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand dahil sa mga tinamong injury) ay basta na lang sila panghihinaan ng loob at susuko. Sapagkat ipinakita ng koponan kung gano sila dapat pangilagan sa pagpapatuloy ng PBA Phillipine Cup.

Sa laro kagabi, nagpakitang-gilas muli si Cyrus at niyakap ang sistema ni
Coach Jong Uichico. Itinanghal din syang Best Player of the Game.

Samantala, nagpakitang-gilas ang mga bagong kabarangay na sina
Celino Cruz, Rich Alvarez at Kevin White na sumikwat ng 10, 2 at 7 puntos ayon sa pagkakasunod-sunod.

Inaasahang kakikitaan pa ng mas mabangis na opensa at depensa ang
Barangay Ginebra Kings sa pagpapatuloy ng liga sa pagbabalik ni Jayjay Helterbrand next game, vs Burger King sa isang out-of-town game.

Scores:

Ginebra 86 - Baguio 17, Intal 11, Cruz 10, Tubid 9, Salvacion 9, Menk 8, White 7, Mamaril 7, Wilson 4, Alvarez 2, Villanueva 2, Kramer 0.

Rain or Shine 77 - Cruz 14, Reyes 14, Chan 8, Hrabak 8, Arellano 7, Norwood 7, Telan 6, Mercado 4, Tang 4, Arana 4, Laure 1, Ibanes 0.

Quarterscores: 26-17, 44-35, 66-53, 86-77


0 comments: