Showing posts with label kevin white. Show all posts
Showing posts with label kevin white. Show all posts

Sunday, November 22, 2009

Kwento Muna

Hello all! Thania here again. I have not posted in a while, yeah, it made me feel bad that Ginebra didn't make it on their last game -- vs SLR. Katamad magsulat. But life must go on. And that's just one game, not the end of the world.

Okay, kwento muna. Aura and my twin AM watched the game, we were on Lowerbox area, row B, seats 5, 6, and 7. Lapit nuh? Yeah, so I could scream my heart out to cheer for my Ginebra -- our Ginebra. We came early, met a couple of friends outside the coliseum before the start of the game.

Blank. Bored. Antagaaall! Tapos ayan na.. pumasok na ang mahal kong team!!! Ahhhh!!! Kung narinig ni Mama yan, sasabihin nya, para akong kinakatay na baboy sa sigaw ko.. haha! Oh well, i can't help it. Kita ko kagad si Jayjay e. Tapos bilis ng mata ko, nahanap ko kagad ang bago kong mahal este idol -- Kevyn White, team's newest addition, ang rookie nila. Weee!!! Tili na naman. *lubdublubdublubdub* naririnig ko na ata ang tibok ng puso ko sa kaba, sa saya, sa excitement, halo-halo na to!

Ayoko na rin i-elaborate at talagang it pains me to remember how Ginebra's winning streak was silenced by the Sta. Lucia Realtors -- kahit na nga ba andun ang love ko, at love ng Jamships na si Chris Pacana e. Basta masakit. :(

Next game, Nov25 vs Talk N Text Tropang Texters, babawi ang team! Go Ginebra pa rin! Ginebra lang hanggang sa huli!

Tuesday, November 17, 2009

BGK Practice 11/17/2009










































Monday, November 9, 2009

Unstoppable Ginebra Outshines Rain or Shine

Cyrus Baguio of the Barangay Ginebra Kings is KFC/Accel-PBA Press Corps' Player of the Week for the period Nov. 2 to 8. Congratulations Skyrus! :) Job well done!

Sa 2 magkasunod na games (vs Barako Bull at Rain or Shine), ipinakita ni
Skyrus kung paano naaasahan ang isang tulad nya sa oras ng kagipitan. Sa tulong ng iba pang players ng mahal nating koponan gaya nila Ronald Tubid, William Wilson, Eric Menk, Sunday Salvacion, JC Intal, Celino Cruz, Billy Mamaril, pinatunayan ng Ginebra na hindi porket wala ang Fast and the Furious (Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand dahil sa mga tinamong injury) ay basta na lang sila panghihinaan ng loob at susuko. Sapagkat ipinakita ng koponan kung gano sila dapat pangilagan sa pagpapatuloy ng PBA Phillipine Cup.

Sa laro kagabi, nagpakitang-gilas muli si Cyrus at niyakap ang sistema ni
Coach Jong Uichico. Itinanghal din syang Best Player of the Game.

Samantala, nagpakitang-gilas ang mga bagong kabarangay na sina
Celino Cruz, Rich Alvarez at Kevin White na sumikwat ng 10, 2 at 7 puntos ayon sa pagkakasunod-sunod.

Inaasahang kakikitaan pa ng mas mabangis na opensa at depensa ang
Barangay Ginebra Kings sa pagpapatuloy ng liga sa pagbabalik ni Jayjay Helterbrand next game, vs Burger King sa isang out-of-town game.

Scores:

Ginebra 86 - Baguio 17, Intal 11, Cruz 10, Tubid 9, Salvacion 9, Menk 8, White 7, Mamaril 7, Wilson 4, Alvarez 2, Villanueva 2, Kramer 0.

Rain or Shine 77 - Cruz 14, Reyes 14, Chan 8, Hrabak 8, Arellano 7, Norwood 7, Telan 6, Mercado 4, Tang 4, Arana 4, Laure 1, Ibanes 0.

Quarterscores: 26-17, 44-35, 66-53, 86-77