Friday, September 12, 2008

Palarong PangJAMSHIPS

Last Saturday, after naming magkita nina Thania and AM, nagkaroon ng 'text wars' (ika nga ni Hanna). I really can't remember kung sino nagpasimuno ng walang tulugan, if I remembered it right, it was Rose Ann? Tapos, nabanggit ko kay Jessa, ano ang magiging premyo? Sabi niya eyebags, hahaha. Tapos, tinext ko rin si Jam about dun sa premyo. Since alam kong may Jersey siya ni Mark at JayJay, biniro ko, sabi ko, jersey ni JayJay na bigay ng mama mo ang premyo. Wala naman siyang violent reaction, kaya ayun, nakatuwaan kong ibroadcast sa BGK JAMSHIPS (Globe Users) na walang tulugan, ang premyo, jersey ni JayJay na pagmamay-ari ni Jam. Ang resulta? Walang tulugan, hahahaha. Sobrang saya. Ang daming BGK JAMSHIPS (Globe Users) na sumabog ang inbox. Madaming nagtetext habang nagchacharge ng kani-kanilang mga cellphones (isa na ako doon). Si Pat naman, since hindi siya makapag-register sa Unli, tinawagan nalang ako sa Sun, ayaw pumayag na hindi siya mananalo, hahaha. Isang oras lang naman kaming nagkwentuhan, record-breaking, hahaha. Pero ang pinakagusto ko sa lahat, 'yung reaction ni Jam, ayaw talagang matulog, sineryosong mabuti ang palaro. Nag-text na nga ng naka-caps lock eh, nagalit na. Jam, katuwaan lang 'yun. Pero in fairness, ikaw ang nanalo. At since love tayo ni Pres. Thania, binigyan ka pa rin niya ng premyo, free na ang BGK JAMSHIPS Shirt mo.

At dahil sa mainit ninyong pagtanggap, magkakaroon tayo every other Saturday ng Palarong PangJAMSHIPS. Kaya sa mga BGK JAMSHIPS (Globe Users), make sure na Unli kayo sa darating na Sabado. Sa mga BGK JAMSHIPS (Non-Globe Users), mag Globe na kasi kayo, hihihi. Maliit lang naman ang prize natin sa darating na Sabado, 25 na load, makakapag-unli ka na ng isang araw, hahaha. Pero, dapat sumali kayo, ang hindi makakasali sa tatlong games, hindi sila pwedeng sumali sa game bago mag-opening. Ang papremyo noon ay tumataginting na Upper Box A/B tickets, whichever is available, courtesy of Pres. Thania. Sa mga may work na, magsponsor sana kayo ng papremyo. Every other week lang naman ito. Sana lahat maki-join. Promise, masaya ito.

0 comments: